Nakatakdang bumuo ng isang masterplan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pagpapaunlad ng aviation sector ng bansa.
Ayon sa CAAP, layon nito na mapahusay pa ang mga kasalukuyang hakbangin ng sektor para sa kaligtasan, pagpapahusay at pagpapanatili ng kanilang magandang serbisyo.
Dahil dito, nakatakdang repasuhin ng CAAP ang kasalukuyang estado ng civil aviation ng Pilipinas kabilang na ang imprastraktura, operasyon, regulatory framework, gayundin ang national at regional policy, maging ang international standards.
Kasunod nito, magsasagawa ang CAAP ng benchmarking analysis para ikumpara ito sa iba pang mga bansa sa ASEAN gayundin ang mga best practice na ginagawa sa Europa.
Para matiyak ang matagumpay na pagbalangkas ng masterplan, tutulong ang dalawang eksperto mula sa European Union Aviation Safety Agency. | ulat ni Jaymark Dagala