Pagkakaaresto sa international terrorist sa Sulu, pinapurihan ng National Security Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng National Security Council (NSC) ang iba’t ibang law enforcement agencies sa pagkakaaresto sa international terrorist na si Myrna Mabanza.

Si Mabanza ay idineklarang Special Designated Global Terrorist ng Estados Unidos kasama ni Islamic State founder Abu Bakr Al Baghdadi, at yumaong ISIS emir sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay National Security Council Director General, Sec. Eduardo Año, patunay lamang ito ng pagiging epektibo ng intelligence gathering at monitoring ng iba’t ibang ahensya.

Kinilala rin ni Año ang papel ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Intelligence Coordinating Agency, Anti-Money Laundering Council at Presidential Anti-Organized Crime Commission para maaresto si Mabanza.

Pagpapakita aniya ito ng dedikasyon ng mga law enforcer ng bansa, na papanagutin ang mga naghahasik ng takot at pangamba gayundin ang kanilang pangakong tuldukan ang terorismo.

Dahil dito, tiniyak ni Año na makaaasa ang mga Pilipino ng kahinahunan at mapayapang bansa dahil sa pagsusumikap ng mga alagad ng batas na panatilihin ang kaayusan, at mailayo sa banta ng mga terorista.

Bagaman ipinagdiriwang ng bansa ang panibagong tagumpay na ito kontra terorismo, hinikayat ni Malaya ang lahat na manatiling mapagmatiyag hanggang sa tuluyan nang mapasakamay ng batas ang mga nalalabing kasapakat ng mga terorista. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us