Tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na maliwanag ang hinaharap ng Mindanao lalo na kung nagkakaisa at ‘nakatuon ang lahat sa pagpapaunlad nito.
Ayon kay Pangandaman, bilang nag-iisang Muslim cabinet member ng administrasyong Marcos, kaya niyang sabihin na nagbubunga ang mga hakbang para sa Mindanao sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas’.
Giit ni Pangandaman, ipagpapatuloy nila na itaguyod ang Mindanao mula sa “land of promise” patungo sa “land of promises fulfilled”.
Bilang patunay aniya dito ang agarang pag-activate ng intergovernmental relations body at pagsasagawa ng Philippine Congress – Bangsamoro Parliament Forum.
Lahat ng mga nasabing hakbang ay naglalayon na gawing maliwanag na ehemplo ang Mindanao bilang isang lugar kung saan may kapayapaan at pag-unlad sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco