Magdudulot lang daw ng matinding social cost ang paghiwalay ng Mindanao sa bansang Pilipinas.
Ito ang paniwala ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.
Sinusuportahan ng NEDA ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil na ang mga panawagan ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sinabi ni Edillon madadagdagan ang mga cost of doing business ng mga taga Mindanao sa oras na humiwalay ito sa bansa.
Ayaw din nilang mauwi sa sitwasyong kakailanganin pa ng Visa o Pasaporte para makatawid lang ng Mindanao.
Samantala, kinikilala naman ng NEDA ang kontribusyon ng Mindanao sa ekonomiya ng bansa na nakaambag ng 16% sa Gross Domestic Product (GDP) at higit sa 30% sa agrikultura.
Gayumpaman, kinakailangan pa rin ng Mindanao ng monetary at technical assistance mula sa National Government.| ulat ni Rey Ferrer