Plano ng Quezon City Government na madagdagan ang open at green spaces sa mga paaralan sa lungsod.
Para maisakaturapan ito, lumagda sa isang Memodandum of Understanding (MOU) ang pamahalaang lungsod sa QC Schools Division Office, at Global Resilient Cities Network sa tulong at suporta ng Temasek Foundation.
Ito ay sa ilalim ng programang OASIS (Openness, Adaptation, Sensitisation, Innovation, and Social Ties) Schoolyard Program.
Pinangunahan nina City Administrator Michael Alimurung, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Resilient Cities Network Executive Director Lauren Sorkin, at Temasek Foundation Senior Director and International Programmes Lead Stanley Lee ang paglagda sa kasunduan.
Layon nitong masiguro na mas magiging malusog at mas produktibo ang mga mag-aaral sa loob ng eskwelahan.
Ang Quezon City ang pinakaunang lungsod sa buong Asia OASIS ang makakapagpatupad ng inisyatibong ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa