Welcome para sa National Economic and Development Authority o NEDA ang lumabas na labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ito’y makaraang makapagtala ang PSA ng 3.1 percent na unemployment rate nitong Disyembre 2023 kumpara sa 4.3 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, patunay lamang ito ng matagumpay na hakbang ng Administrasyon na humikayat ng mas maraming negosyo sa bansa na magreresulta sa mas maraming trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.
Magpapatuloy aniya ang pagtatatag ng social at physcial infrastructure kaya’t kumpiyansa si Balisacan na matutugunan ng Pamahalaan ang pangangailangan sa sektor ng paggawa.
Tiwala rin ang Kalihim na magtutuloy-tuloy ang magandang estado ng labor force sa bansa na bunga ng pag-unlad ng iba’t ibang polisiya na siyang magpapasigla sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala