Pinamamadali ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pamahalaan ang paglulunsad ng mga programa sa ilalim ng Universal Healthcare System sa bansa.
Ayon sa NEDA, ito ay bilang paghahanda sakaling tumama ang malalaking krisis pangkalusugan gaya ng COVID-19 pandemic.
Batay sa Philippine Development Report ng NEDA, dapat matuto na ang pamahalaan sa mga aral ng COVID-19 pandemic.
Kabilang na rito ang pagkilala sa kritikal na papel ng developed primary healthcare, sapat na health facilities at matatag na health resilience sa malalaking health emergencies.
Nakasaad pa sa ulat na dapat magkaroon ng sapat at pantay na human resources sa sektor ng kalusugan upang epektibo nitong maihatid ang serbisyo sa lahat. | ulat ni Jaymark Dagala