Ipinahayag ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na simula ng internationalization ng education system sa bansa ang pagluluwag ng restrictions sa foreign ownership ng mga higher education institutions.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments sa panukalang Economic Chacha (RBH no. 6), ibinahagi ni EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee ang comparative study ng foreign ownership policies ng educational institutions sa ASEAN.
Dito, lumalabas na ang Pilipinas ang isa sa mga bansang pinaka-istrikto pagdating sa foreign ownership ng educational institutions, mapa-basic o higher education man.
pinunto ni yee na ang singapore at malaysia ay nagbibigay pa ng government incentives para mahikayat ang pagpapatayo sa kanilang bansa ng international educational institutions.
Ang Malaysia, nagbibigay ng 100% income tax exemption ang mga international non-profit schools habang ang mga private school ay mayroon namang 70% tax relief.
Sa Vietnam naman, ang mga international schools ay may corporate income tax exemption sa loob ng apat na taon at 50% reduction ng tax payable para sa susunod na limang taon.
Para kay Yee, kailangang amyendahan ang regulasyon ng pamahalaan para sa internaationalization sa higher education. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion