In full speed ang kilos ng pamahalaan kung pag-uusapan ay pagpapaganda at maging modern na ang transportasyon sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng dinaluhan nitong
ceremonial signing ng Civil Works Contracts para sa Davao Public Transport Modernization Project.
Sinabi ng Chief Executive na paspasan na ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan para mamodernisa ang mga paliparan, pantalan, mga daan, railways, at mga transportation hubs.
Ang misyong ito sabi ni Pangulong Marcos ay nasa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) na magsisilbing ticket para sa mas magandang bukas ng bansa.
Isa itong oportunidad ayon sa Punong Ehekutibo na hindi na dapat pang mapalampas na aniya’y patahak sa itinataguyod ng administrasyon na Bagong Pilipinas.
Dagdag ng Pangulo kaugnay into, tapusin sa itinakdang panahon ang mga proyekto, nasunod ang mga detalye at siguraduhing may sapat na pondo. | ulat ni Alvin Baltazar