Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang National Summit ng MATATAG Curriculum Pilot Implementors, ngayong araw.
Dito, tinalakay ang mga epektibong hakbang na nagawa ng mga nagpatupad ng curriculum gayundin ang mga gagawin pa sa hinaharap upang lalo pa itong mapag-ibayo.
Sa kaniyang talumpati, ipinagmalaki ni VP Sara, na maganda ang matatag curriculum at naniniwala siyang makatutugon naman ito sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Gayunman, kumpiyansa ang Pangalawang Pangulo na magiging matagumpay ang programa kung may mahuhusay na guro, regional directors at superintendent ang kagawaran.
Dahil dito, pinapurihan ni VP Sara ang education officials na nakasasakop sa 35 MATATAG pilot schools, dahil sa maayos nilang pagpapatupad ng programa.
Sinabi ng Pangalawang Pangulo, na sa mga susunod na linggo ay magkakaron ng pagsasanay ang mga guro sa bawat rehiyon sa bansa para mas mapalawak pa ang kaalaman sa curriculum content na kanilang sinusulong. | ulat ni Jaymark Dagala