Inaprubahan ng House Committee on Health ang House Bill 9867 o Pharmaceutical Innovation Act.
Layon ng panukala na iniakda ni Speaker Martin Romualdez na palakasin ang pagtuklas at pag-develop ng iba’t ibang mga gamot sa pamamagitan ng pagpopondo sa “clinical trials” sa bansa.
Sa kaniyang sponsorship na inilahad ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre ,sinabi nito na inaasahang mapagbubuti ang “landscape” ng medical innovation sa Pilipinas.
Maliban sa benepisyo ng mga Pilipino ay mabubuksan din nito ang Pilipinas sa mga posibleng mamumuhunan.
Inaasahan din na makatutulong ito sa pag-streamline ng clinical trial application process at makabawas sa delay sa safety and ethical standards.
Oras na maisabatas, magtatatag ng Experimental Drug Development and Discovery Center na magsisilbing collaborating hub para sa pharmaceutical research and development.
Ito rin ang tututok sa pagkakaroon ng regional clinical trial hubs na tutuklas at gagawa ng mga gamot at mag-a-assess ng bisa nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes