Welcome kay House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpasa ng Senado sa pangatlo at panghuling pagbasa ng Senate Bill 2534 na layong taasan ang daily minimum wage ng mga mangagawa sa pribadong sector ng P100.
Ayon kay Brosas, bagaman ang P100 increase sa sweldo ay hindi sapat para makamit ang P1,193 family living wage, magsisilbi itong unang hakbang para tugunan ang pangangailangang itaas ang sweldo ng mga mangagawa.
Ipinunto pa ng mababatas na hindi umano totoo na ikalulugi ng mga negosyante ang dagdag na sahod ng mga mangagawa habang sila ay patuloy na yumayaman—patunay aniya ang inilabas na 2021 Forbes Philippine Rich List na lumago ng hanggang 30% o P79 billion ang kita ng mga ito nuong panahon ng pandemya.
Muling nanawagan ang lady solon sa House of Representatives na bigyang prayoridad ang mga panukalang batas sa umento sa sahod. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes