Pagpasok ng mas maraming foreign investors, makatutulong para maisakatuparan ang panukalang wage hike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para maisakatuparan ang ipinapanukalang umento sa sahod, ay kailangan munang makapagpapasok ng maraming mamumuhunan sa bansa.

Ito ang ipinunto ni House Deputy Majority Leader Janette Garin sa gitna na rin ng pagtalakay ng Kamara sa bersyon nito ng legislated wage hike na nasa ₱350.

Aniya, kailangan munang gawing investor friendly ang Pilipinas para maging posible ang pagtaas sa sweldo.

Una nang pinagtibay ng Senado ang ₱100 wage hike bill.

Ngunit para kay Garin ay hindi pa rin ito sapat.

Maliban pa sa posibleng makasama sa mga maliliit na negosyo o yung mga MSMEs.

Kaya kailangan aniya na balansehin ang kalagayan ng parehong mga employer at empleyado.

“Gagawa ka ng magandang batas pero ang dagok naman nun—ilan naman ang mawawalan ng trabaho, ilan naman ang mga kumpanyang magsasara [dahil hindi kakayanin ang pasweldo sa mga empleyado]… Karamihan kasi ng mga negosyante sa Pilipinas ay maliliit, iilan lang dyan ang nasa malalaking kumpanya,” sabi ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us