Naghahanda na ang ilang simbahan sa National Capital Region (NCR) para sa pagsisimula ng kwaresma.
Batay sa nakarating na impormasyon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Maynila, ang Our Lady of Unity Parish Church ay sinimulan na ang pagsusunog ng palaspas para sa Ash Wednesday sa Pebrero 14.
Ang pagpapahid ng abo sa noo sa mga mananampalatayang Katoliko ay ginagawa bilang simula ng panahon ng kwaresma.
Ang mga sinunog na palaspas ay dinala ng mga deboto sa nasabing simbahan.
Hinihikayat ng CBCP ang mga Katoliko, na dalhin sa kanilang mga parokya ang mga palaspas na binasbasan sa panahon ng Palm Sunday. | ulat ni Michael Rogas