Positibo ang pagtanggap ni Speaker Martin Romualdez sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa kahalagahan at pangangailangan na maamyendahan ang “restrictive” economic provisions ng saligang batas.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdalo sa selebrasyon ng Constitution Day na inorganisa ng Philippine Constitution Association (Philconsa) kung saan pangulo si Speaker Romualdez at ng Manila Overseas Press Club ngayong gabi.
Ani Romualdez, malinaw na inihayag ng Pangulo na ang mahigpit na probisyong pang ekonomiya ang nakakahadlang sa pagpasok ng foreign investments.
“The President made it clear that these provisions hinder the entry of foreign investments and the potential for faster and inclusive economic growth, which in turn could translate into a better life for every Filipino,” ani Romualdez.
Malaking bagay din aniya na batid ng Pangulo ang makailang beses nang pagsusulong ng Kamara para sa economic reform ng Saligang Batas mula pa noong 8th Congress.
“We are happy that he also took note of our consistent advocacy in the House of Representatives for changing those restrictive provisions for more than three decades since the 8th Congress, or since 36-37 years ago,” sabi pa ng House Speaker.
Pinuri din ng Leyte 1st district solon ang pagsisiguro ni PBBM na ang kaniyang suporta sa Cha-cha ay para lang sa usaping pang ekonomiya.
“I want to make it clear, this administration’s position in introducing reforms to our Constitution extend to economic matters alone, or those strategically aimed at boosting our country’s economy, nothing more.” saad ni PBBM sa kaniyang talumpati.
“At the risk of being makulit, we have been saying that we do not advocate any political amendment,” diin ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes