Sumentro sa pagsusulong ng proteksyon ng right to freedom of opinion at expression sa bansa ang pulong ng mga mambabatas sa pangunguna ni Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, chair ng committee on inter-parliamentary relations and diplomacy, kasama si United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan.
Ayon kay Labadlabad, isang ‘pivotal moment’ ito para sa Kamara na naghahayag ng pakikiisa sa hangarin ng UN na pahalagahan ang karapatang pantao, pagkakapantay-pantay at bukas na dayalogo.
Inihayag din nito ang buong suporta ng Kongreso sa transparency, accountability, inclusivity, para sa isang mas magandang Pilipinas.
Ibinahagi naman ni committee on justice chair at Negros Occidental Rep. Juliet Marie Ferrer ang 14 na panukalang itinutulak ng Kamara para sa right to information at pagiging bukas at hayag ng mga serbisyo ng gobyerno.
Inirekomenda naman ni Khan na gawing prayoridad ng Kongreso ang mga panukalang Human Rights Defenders’ Bill, Media Welfare Bill, at posibleng decriminalization ng libel at cyber libel.
“Those three would be absolutely critical to make sure you are on set very well the mainstream of human rights in this country,” sabi ni Khan. | ulat ni Kathleen Forbes