Hindi muna itinuloy ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 7 bilang Committee of the Whole, ngayong araw.
Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo, inurong ito sa Lunes, February 27 dahil sa availability ng mga resource person.
Matatandaan na nitong Martes ay inaprubahan sa plenaryo ang pag-constitute ng kapulungan bilang Committee of the Whole, para sa panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas partikular ang Articles 12, 14, at 16.
Kabilang naman sa inaasahang maimbitahan ay ang mga economic manager at ekonomista, business group at education industry.
Sabi naman ni House Majority Leader Mannix Dalipe, tatlong beses sa isang linggo ang gagawin nilang pagdinig bilang Committee of the Whole.
Paglilinaw pa ni Quimbo, hindi nila sino-shortcut ang pagtalakay sa RBH 7 sa pamamagitan ng pag constitute ng Committee of the Whole.
Kung tutuusin, repeat performance na ito ng Kamara dahil makailanga ulit na aniyang pinagdebateha ng Kapulungan ang panukalang economic charter change. | ulat ni Kathleen Forbes