Hindi mamadaliin ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 7, na nagsusulong ng Economic Charter Amendment.
Ito ang tiniyak ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe matapos ihain ang “clone” ng Resolution of Both Houses No. 6 na kasalaukuyan namang tinatalakay ng Senado.
Aniya, wala silang itinakdang deadline para tapusin ito, dahil nais nilang masinsinang matalalay ang panukala.
Aniya mag-iimbita muli sila ng mga eksperto at resource person upang mapakinggan ang kanilang posisyon.
Kasama na rin dito maging ang mga tutol sa charter change
Sinabi pa ni Dalipe na handa silang palawigin ang kanilang “working hours” kung kailangan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes