Ilan pang senador ang nagpahayag na malugod nilang tinatanggap ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa pangunguna ng Senado sa economic chacha.
Sa isang paghayag, sinabi ni Sen. Grace Poe na ikinagalak niya ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan ni Pangulong Marcos na ang Senado ang mangunguna sa pagdinig ng amyenda sa economic provision ng saligang batas.
Ayon naman kay Deputy Majority leader JV Ejercito, kailangang maglabas ng categorical statement ng punong ehekutibo bilang napagkaunsunduan na ito ng dalawang lider ng Kongreso noong Enero 5.
Pinahayag naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakatuon sila na makabuo ng mga pagbabago sa economic provision na pagbebenepisyuhan ng mga Pilipino.
Binigyang diin naman ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat sundin ng Kamara ang pahayag ng Pangulo.
Hindi rin sinasang-ayunan ni Estrada ang nakasaad sa inihaing Resolution of Both House No. 7 sa Kamara na nagtatakdang dapat ay magkasamang boboto ang Senado at Kamara sa pag-apruba ng mga amyenda.| ulat ni Nimfa Asuncion