Pinalalakas ng Pilipinas ang balikatan nito sa iba’t ibang bansa upang labanan ang online sexual abuse at exploitation sa mga kabataan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Justice Usec. Nicholas Felix Ty, na bukod sa pagbaba ng pamahalaan sa barangay level upang mapataas ang kamalayan ng publiko laban sa mga krimeng ito, patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa foreign law enforcement.
Kadalasan kasi aniya sa mga ganitong krimen, cross border, o mayroong foreign sexual predators, na naghahanap ng mga mabibiktima; at ang mga ito ang nakakausap ng mga magulang o mga kaanak ng mga kabataang Pilipino.
Ang mga foreign law enforcement aniya ang nagbibigay ng referral sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa mga kasong ito na nagri-resulta naman sa pagkakasalba sa mga bata, at pagkakahuli ng mga nasa likod ng krimeng ito.
“Malaking tulong dito ang coordination sa foreign law enforcement dahil ang foreign law enforcement sila ang nagbibigay ng referral sa atin ng mga potential kaso dito ‘no at dahil nga sa koordinasyon sa foreign law enforcement madami na tayong mga nasalbang bata at madami na tayong napasagot na mga perpetrators dito sa Pilipinas.” —Usec Ty | ulat ni Racquel Bayan