Pinabibilis na ng pamahalaan ang mga hakbang upang matugunan ang hamon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng lumabas na survey ng OCTA Research.
Ayon kay Balisacan, minamadali na ng Marcos Administration ang mga hakbang upang matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang presyo ng bigas.
Binigyang diin ng kalihim na patuloy ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan lalo pa’t inaasahan na mas tataas pa ang presyo ng bigas sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng El Niño.
Gayudin din ang pagtugon sa mga hamon na inilatag ng OCTA gaya ng inflation, food security, job creation, at poverty reduction.
Tiniyak naman ng NEDA na nakalatag na ang mga polisiya para mas mapabuti ang estado ng ekonomiya ng bansa, maging accessible at mura ang mga pagkain, at makalikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Diane Lear