Tumanggap ng seed capital fund na nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang Payapa at Masagang Pamayanan (PAMANA) association sa Kabankalan City, Negros Occidental mula sa Department of Social Welfare and Development Sustainable Livelihood Program.
Nakatanggap ng grant ang Camingawan Vendor Association sa Barangay Camingawan; Oringao Garments Workers and Producers Association (OGWAPA) sa Barangay Oringao; Salong Food Producers Association sa Barangay Salong, at Tagukon Farmers Association in Barangay Tagukon, Kabankalan City.
Ang bawat SLPA ay nakatanggap ng P300,000 na tseke para sa PAMANA cycle 3 na gagamitin para sa pagpapalawak ng mga proyektong pangkabuhayan katulad ng egg layering, sewing services at textile accessories retailing, catfish farming at level 2 potable water system expansion. l ulat ni Merianne Grace Ereñeta | RP Iloilo
📷: DSWD FO-6