Kultura, ekonomiya at relasyon ang maaaring masira kung ipagpapatuloy ang panawagang secession o paghiwalay ng Mindanao.
Ito ang tinuran ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kasabay ng panawagan sa mga nagsusulong nito na irekonsidera ang kanilang posisyon.
Binigyang diin ni Adiong ang mayamang kultura at tradisyon ng bansa na siyang nag-uugnay sa bawat isa at nagsisilbing sandigan ng Pilipinas para harapin ang mga hamon.
Punto pa nito na ang pagsasama-sama ng kultura at etnisidad sa Mindanao ay isang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Kaya aniya ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao ay magiging banta sa territorial integrity ng bansa at sa pinaka buhay ng ating kasaysayan.
“We must remember that our strength lies in our unity, in our ability to stand together against the challenges that face us. Ang mga pagkakaiba natin ay nagmumukhang maliit sa harap ng pinagsamahan natin bilang isang bansa.” Ani Adiong.
Apektado rin aniya ang ekonomiya ng Mindanao dahil sa marami ang proyekto dito ang hindi kakayaning ipatupad ng lokal na pamahalaan kung walang tulong ng national government.
Nangangamba rin ang mambabatas na maaaring masayang lang ang mga nakamit sa peace process kung itutuloy ang paghihiwalay.
“It would also leave the hard-won fruits of the peace process rotting on the vine. Our people have invested blood, sweat, and tears for the recognition and correction of historical wrongs. As the first sprouts of a lasting and just peace begin to emerge, we must cultivate them and not cut them at the root. Furthermore, history has shown us that secession often leads to conflict and bloodshed. The scars of division run deep, and the cost of such a move would be felt by generations to come.” giit ng mambabatas.
Kaya naman paghimok nito na patuloy na lamang suportahan ang pagpapalakas ng Mindanao bilang bahagi ng isang matatag at nagkakaisang republika.
“Atin pong pagisipan ng maigi at unahin ang ikakabuti ng nakakarami. Let us engage in open and honest dialogue, seek common ground, and work towards solutions that strengthen our unity rather than fracture it. Our shared history, sacrifices, and aspirations demand that we stand together as one nation, indivisible and strong. Let us put this issue to rest and return to our vital work of building a progressive Mindanao as part of a strong and united Republic.” Sabi pa ni Adiong. | ulat ni Kathleen Forbes