Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng National Arts Month, Creative Solon pinasalamatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pangununa ng mga ito na kilialanin ang “world-class Filipino creativity.”
Sa kanyang privilege sa planaryo, naikikiisa Pangasinan Representative at Chairman ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts Christopher de Venecia kay Pangulong Marcos Jr. na ipagdiwang ang kapangyarihan at napakalawak na kontribusyon ng Filipino artist sa national development.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority umaabot sa P52.8 billion ang gross value added ng creative industry sa Philippine Economy noong third quarter ng 2023.
Pinasalamatan din ng kongresista si House Speaker Martin Romualdez at kanyang maybahay na si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie ROmualdes sa kanilang ipinamalas na suporta na paunlarin ang creative industries.
Umaasa si De Venecia sa patuloy na pagsulong ng hangarin ng Pangulo na suportahan ang Arts ngayong taon hanggang sa mga susunod na taon.
Diin ng mambabatas na ang collective leadership ng Punong Ehekutibo ang nagbukas sa mga posibilidad sa malaking ambag ng creative industry sa ekonomiya ng bansa.| ulat ni Melany V. Reyes