Economic chacha, maaaring mapulitika na kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay

Nangangamba ang ilang kongresista na mapupulitika lang ang panukalang amyenda sa economic provision ng Konstitusyon kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay dito. Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, batid naman ng lahat na pagsapit ng Oktubre ay magiging abala na ang lahat para sa 2025 mid-term elections. Kaya kung pahahabain pa… Continue reading Economic chacha, maaaring mapulitika na kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay

Pilipinas, gagayahin ang pagtugon ng Los Angeles sa mga emergency response – DILG

Nakipagpulong sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA), at Metro Manila Council sa City of Los Angeles Emergency Management Department (LA EMD). Ang pulong ay para sa study tour hinggil sa disaster at emergency response. Sa ginanap na diyalogo, nakita ng… Continue reading Pilipinas, gagayahin ang pagtugon ng Los Angeles sa mga emergency response – DILG

Sen. Angara, umaasang magkakasundo ang Senado at Kamara ukol sa economic chacha bago ang 2025 elections

Dapat magkaroon na ng consensus ang Senado at Kamara tungkol sa isinusulong na economic chacha bago ang 2025 midterm elections. Sinabi ito ni Senador Sonny Angara, na namumuno ng pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang panukalang economic chacha, sa gitna na rin ng target… Continue reading Sen. Angara, umaasang magkakasundo ang Senado at Kamara ukol sa economic chacha bago ang 2025 elections

DSWD Chief at Qatar envoy, magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao

Nagkasundo sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Qatar Ambassador to the Philippines Ahmed Saad Al-Homidi, na magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao. Sa kanilang pulong, ibinahagi ni Secretary Gatchalian ang ilang “areas of concern” na maaaring mag-intervene ang Qatar Government. Matutulungan nito ang DSWD sa pag-angat ng buhay… Continue reading DSWD Chief at Qatar envoy, magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao

Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nagsimula nang mabayaran ang mga overseas Filipino worker na mayroong unpaid claims sa kanilang mga employer sa Saudi. Ito ay matapos na mabangkarote ang mga malalaking construction company sa Saudi noong 2010, 2015, at 2016 dahilan para mawalan ng trabaho ang nasa 10,000 OFWs. Ayon kay DMW… Continue reading Mga OFW na may unpaid claims sa Saudi employers, nagsimula nang mabayaran, ayon sa DMW

PCSO, nagbigay ng mga ambulansya sa LGUs at mga pampublikong ospital sa bansa

Namahagi ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ng mga patient transport vehicle sa sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga pampublikong ospital sa bansa. Ayon sa PCSO, umabot sa 114 na mga ambulansya ang naipamahagi ng ahensya nitong Disyembre 2023 sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program. Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel… Continue reading PCSO, nagbigay ng mga ambulansya sa LGUs at mga pampublikong ospital sa bansa

DOTr, iniimbestigahan na ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa LTO Chief

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga alegasyon na korapsyon ng transport at civilian group laban kay Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II. Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga akusasyon ay inihayag sa pamamagitan ng open letter mula sa Federated Land Transport Organizations of… Continue reading DOTr, iniimbestigahan na ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa LTO Chief

Mas mataas na diskwento para sa seniors at PWDs para sa grocery at food supplement, itinutulak ng House Speaker

Nais ni House Speaker Martin Romualdez na taasan ang ibinibigay na diskwento sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs) para sa kanilang grocery at food supplement.   Aniya, sa kasalukuyan may 5% na diskwento kada linggo sa grocery ang mga senior at PWD na may cap o limit na P1,500 o katumbas n… Continue reading Mas mataas na diskwento para sa seniors at PWDs para sa grocery at food supplement, itinutulak ng House Speaker

Sinasabing cyber attacks ng Chinese hackers sa mga government websites ng Pilipinas, pinaiimbestigahan sa Senado

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na maimbestigahan sa Senado ang cyber attack kamakailan na tumarget sa mga ahensya ng gobyerno. Sa inihaing Senate Resolution 923 ni Hontiveros, pinunto nito ang pahayag ng Department of Information and Communicaitons Technology (DICT) na ang mga hacker ay pinaniniwalaang mula sa China. Sa naging pahayag ng DICT, binanggit ang… Continue reading Sinasabing cyber attacks ng Chinese hackers sa mga government websites ng Pilipinas, pinaiimbestigahan sa Senado

Sen. Bato, hindi pabor sa ‘One Mindanao’ proposal

Hindi sang-ayon si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mungkahi na ihiwalay ang Mindanao sa buong Pilipinas. Sinabi ni Dela Rosa na ayaw naman niyang kukuha pa siya ng visa kung bibisitahin niya ang kanyang mga apo na nasa Batangas. Pinahayag rin ng Mindanaoan senator na wala namang may gustong maghiwa-hiwalay ang Pilipinas. Nirerespeto rin… Continue reading Sen. Bato, hindi pabor sa ‘One Mindanao’ proposal