Kasama ang pagsasaaayos sa serbisyo ng telecommunications at basic education pati ang pangingibang bansa ng mga OFW sa mga matutugunan ng planong economic charter change.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo batid naman ng lahat na maraming mga Pilipino ang nagtratrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas.
Ang dahilan, kakulangan aniya sa kapital.
Kaya sa pamamagitan ng economic charter change ipapahiwatig ng Pilipinas na flexible ang ating ekonomiya para pumasok ang kapital at makalika ng mas maraming trabaho
Katunayan, nangyari na aniya ito nang amyendahan ang Public Service Act kung saan biglang bumuhos ang investments sa energy sector.
Sa 1.3 trillion pesos na investments na pumasok aniya, 800 bilion dito ay sa sektor ng enerhiya.
Magkagayonman, nalimitahan naman ang telecommunications sector.
Bagamat inalis na kasi ang telco bilang isang public utility mayroong probisyon ang amended PSA na 60-40 foreign owndership limitation sa critical infrastructure, kung saan kabilang ang telco.
Kaya kung matuloy ang charter change ay maisasaayos ito.
Umaasa naman si Albay Rep. Joey Salceda na maging bukas ang Senado na isama ang basic education sa mga sektor na mabuksan sa ilalim ng kanilang Resolution of Both Houses No. 6 para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa bersyon kasi ng Senado, bubuksan lamang ito sa tertiary education.
Ngunit diin ni Salceda ang problema ng Pilipinas ay nasa basic education, partikular ang nasa Grade 4 batay na rin sa resulta ng PISA.
Mula sa 81 bansang kasapi sa naturang assessment, pang anim sa huli ang Pilipinas sa reading at mathematics habang third to the last naman sa science.
Giit ni Salceda higit na kailangan ng bansa ang teknololohiya at foreign methodologies ngayon.| ulat ni Kathleen Forbes