Muling nagpahayag ng buong suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.
Sa selebrasyon ng Constitution Day, sinabi ng Pangulo na hindi niya hahadlangan ang anumang democratic debate na magbibigay daan sa Kongreso at sa mga Pilipino na isulong ang nararapat para sa social economic development ng Pilipinas.
“We must allow this healthy and democratic debate to wage on, engage it and __ especially that the social economic development of our country is directly involved. I will neither hinder this dialogue nor encroach on the prerogatives of Congress and the sovereign will of the Filipino people.” — Pangulong Marcos.
Marami na aniyang sektor ng lipunan, ang tumukoy sa mga economic provision sa batas na humahadlang o nagpapabagal sa momentum ng paglago ng bansa, kaya’t napapanahon na aksyunan ito.
“Our country’s economic well being is distinctly of important concern. Many sectors of society, particularly business, have pointed to certain economic provisions in the Constitution that inhibit our growth and momentum. Anchored on these restrictive provisions, there are laws that prohibit certain kinds of foreign investment and thus limit our economic potential and our global competitiveness. That is why since the 8th Congress there have been no less than 300 measures filed in the House of Representatives calling for the amendment of these economic provisions of our Constitution.” —Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, dapat na hayaan ang democratic institutions at mekanismo ng mga ito na gawin ang kanilang mandato, lalo’t may built in system naman para sa checks and balance.
Sabi ng Pangulo, suportado ng Marcos administration ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon, at magpapatuloy aniya ang pamahalaan sa panghihikayat ng foreign investors papasok ng bansa.
“Allow me to make it clear. This administration’s position in introducing reforms for the Constitution extend to economic matters alone, for those…For those strategically aimed at boosting our economy. Nothing more. In any event this administration, in any event this administration is going to push hard to attract all foreign investments to significantly, 2025.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan