Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga alkalde na gumawa ng mga proyektong makakabenepisyo ang mga susunod na henerasyon.
Sa talumpati ng Pangulo sa General Assembly ng League of Municipalities sa Lungsod ng Pasay, sinabi nitong ang kailangan ay mga proyektong kahit mahaba ang timeline basta’t mapapakinabangan ng mga kabataan.
Binigyang diin ng Pangulo, na mas dapat ding mabigyang bigat sa mga proyektong gagawin ay ang matiyak na para sa ikagaganda ng buhay ng constituents ng mga alkalde ang ibubunga ng nasimulan nilang project.
Hindi na bale aniyang walang makuhang pagkilala sa nasimulang proyekto, ang dapat na maisaisp ng mga naglilingkod na local chief executives ay “We are serving for the greater good.’
Dagdag pa ng Chief Executive, huwag hayaang mawala ang tiwala ng mga taong nagbigay sa kanila ng kapangyarihan upang makapuwesto sa kanilang posisyon. | ulat ni Alvin Baltazar