Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, sa pangunguna nito sa pinakahuling electoral count para sa susunod na presidente ng Indonesia.
“My warmest congratulations to Defense Minister Prabowo Subianto on his commanding lead in the latest electoral count to be Indonesia’s next President.” -Pangulong Marcos Jr.
Sa maikling pahayag ng Pangulo, sinabi nito na ngayon pa lamang inaasahan na niya ang pagpapalalim pa ng bilateral ties ng Pilipinas sa Indonesia.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil isa ang Jakarta sa mga pinakamalalapit na bansa ng Maynila, at kabalikat sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kasabay na rin ito ng selebrasyon ng ika-75 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Indonesia ngayong 2024.
“I look forward to deepening PH’s bilateral ties with Indonesia, a close neighbor and partner in ASEAN, most especially as we celebrate 75 years of diplomatic relations this year. 🇮🇩🇵🇭” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan