Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Maria Lourdes Doria-Velarde bilang acting member ng Board of Trustees ng Home Development Fund (Pag-Ibig), na kakatawan sa private employers’ sector.
Papalitan sa puwesto ni Doria-Velarde si Mylah Roque, na asawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Si Doris-Velarde ay una nang nagsilbi bilang Deputy General Manager for Administration ng Duty Free Philippines.
Naging miyembro rin ng Board of Trustees ng Nayon Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC 13).
Samantala, nagtalaga rin si Pangulong Marcos ng anim na bagong direktor sa tanggapan ng Food Terminal Inc. (FTI).
Ito ay sina Telma Cueva Tolentino, Marissa Jimenez Caldoza, Stanley Sy Chona, Raul Edmund Barcelon Felix, at Sheldon Gonzales Jacaban.
Pinalitan ng mga ito sina FTI Directors Angelito Garcia, Marian Luis Versoza Jr., Maria Theresa Teves- Castanos, at Robert Tan.
Ayon sa Pangulo, ang mga bagong opisyal ng FTI ay makatutuwang ng Department of Agriculture (DA) upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na hindi masiraan ng inani o huling isda, at iba pang produktong pang-agrikultura, na madalas maging problema dahil sa sobra -sobrang suplay.| ulat ni Racquel Bayan