Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga sundalo ng Australia na nagbuwis ng kanilang buhay sa paggampan sa kanilang tungkulin.
Ang ilan sa mga ito, una nang nakipaglaban at naging kabalikat ng Pilipinas sa pagtatanggol ng kalayaan.
Sa State Visit ng Pangulo sa Canberra, Australia, kabilang sa kaniyang mga aktibidad ang wreath laying ceremony sa Australian War Memorial, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.
“We paid our respects to Australian soldiers, some of whom fought side by side with our own in the pursuit of freedom.” — Pangulong Marcos.
Sinilip rin ng Pangulo ang Australian War Memorial Gallery.
Sabi ng Pangulo, kinikilala ng Pilipinas ang kanilang pamana, sa pamamagitan ng pagbibigay ng commitment, sa pagsusulong ng kapayapaan.
“We honour their legacy by renewing our commitment to peace, ensuring that future generations can live a secure life, free from conflict.” — Pangulong Marcos.
Maging sa pagsisiguro na ang hinaharap na henerasyon ay mamumuhay nang mayroong katiyakan at malaya sa kaguluhan.
“When our two nations faced common danger in 1942, Filipino soldiers fought valiantly in Bataan and Corregidor. They faced the impossible task of holding back the enemy’s advance, and yet we did.” — Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, sa harap ng Australian Parliament, una na ring kinilala ng Pangulo ang pagbibigay noon ng Australia ng pansamantalang masisilungan para sa wartime Filipino leadership.
“These efforts helped keep Australia safe. And in return, a grateful Australian people provided temporary refuge for the wartime Filipino leadership. And, at the most crucial moment, Australian airmen, sailors, and soldiers fought side by side with Filipinos as we, together with our allies, turned the tide of war.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan