Pinaiimbestigahan na ni LTO chief Vigor Mendoza II ang isa na namang kaso ng road rage sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Inatasan ni Mendoza ang Regional Director ng LTO-Region III na mag issue ng Show Cause Order laban sa registered owner ng sasakyan.
Malinaw sa video na nag-viral na sa social media na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver ng Toyota Fortuner na matapos banggain ang sasakyan ng senior citizen ay tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad.
Inaasahan din ni Mendoza na mailagay sa alarma ang kulay itim na Toyota Fortuner, na may conduction sticker Z7N788.
Pinapahanap na rin ng LTO Chief sa LTO-Region 3 ang pamilya ng biktima bilang bahagi ng isasagawang imbestigasyon. | ulat ni Rey Ferrer