Maigi na aralin munang mabuti ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na imbes na pera ay bigas na lang ang ipamahagi ng pamahalaan sa 4Ps beneficiaries bilang bahagi ng rice subsidy ng pamahalaan.
Ayon kay 4Ps Party-list Representative JC Abalos sa kaniyang personal na opinyon, mas maigi pa rin ang cash grant dahil ito na ang nakasanayan ng mga benepisyaryo at mayroon nang nakalatag na mekaninsmo.
Bilang ekonomista naman, sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na ang pinakamadaling paraan para maipaabot ang tulong ay sa pamamagitan ng pera.
Bagamat maganda ang intensyon na gawin na lang itong bigas upang masigurong hindi magagamit sa pagsusugal o maling bagay, maaaring magkaroon ng problema sa pag-procure ng bigas na mauuwi pa sa delay at mas lantad sa posibleng pananamantala. | ulat ni Kathleen Forbes