Pasado na sa Kamara ang House Bill 9726 o ang “Expanded Philippine Science High School System Act”.
Layunin nitong palawakin ang saklaw at operasyon ng Philippine Science High School (PSHS) sa bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng tig-dalawang campus ng PSHS sa bawat rehiyon ng bansa.
Inaasahan na mapapalakas nito ang PSHS bilang nangungunang paaralang pang-sekondarya sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) education.
“Through this bill, we aim to expand the number of PSHS campuses per region, making world-class education even more accessible to more deserving Filipino students across the country. The bill will not just improve the management of PSHS but also accommodate more government scholars, and increase the access to quality, free and globally competitive education for the country’s science, technology and innovation manpower,” ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Bibigyang kapangyarihan dito ang PSHS Board of Trustees na bumuo ng kinakailangang mga patakaran, gabay, at mga panuntunan upang mapanatili ang kalidad at pantay na pamantayan sa edukasyon sa lahat ng PSHS Campuses.
Ang kita naman na magmumula sa mga bayarin sa paaralan na kinokolekta ng mga campus nito ay idedeposito sa bangkong awtorisado ng pamahalaan bilang trust fund ng PSHS System na gagamitin para sa mga pangunahing programa at aktibidad eskuwelahan. | ulat ni Kathleen Forbes