Nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na ₱100 na daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong Pilipinas.
Ito ay matapos ipresenta ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada ang Senate Bill 2534.
Pinaliwanag ni Estrada na mula sa orihinal na panukalang dagdag ₱150 sa arawang-sahod ay binaba ng kanyang komite ang rekomendasyon sa ₱100 dahil lahat naman aniya ng mga regional wage boards ay nag-uros nang taasan ang daily minimum wage sa kani-kanilang lugar.
Ayon sa senador, kinakailangang i-adjust ang sweldo ng manggagawa para kahit papaano ay maipantay ang kinikita nila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangungunahing bilihin.
Bukod dito, ang dagdag aniyang purchasing power o kakayahang bumili ng mga manggagawa ay makakaambag sa economic activity at sa pagsigla ng ating ekonomiya.
Tinatayang nasa 4.2 milyong mga manggagawa sa buong bansa ang makikinabang sa panukalang ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion