Binigyang diin ni Senador Lito Lapid na napapanahon ang panukalang dagdag P100 sa sweldo ng manggagawa sa buong bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya dapat itong bigyang prayoridad at maipasa kaaagad.
Ayon kay Lapid, malaki ang maitutulong ng dagdag-sahod sa mga pamilya ng mga manggagawa sa pribadong sektor para makaagapay sila sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Makatutulong din aniya ito sa ekonomiya dahil kasabay ng pagtaas ng sweldo ay inaasahang tataas ang purchasing power o kakayahan ng mga manggagawa na bumili, bagay na makakapagpapasigla ng economic activity ng bansa.
Kasabay naman nito ay aminado si Lapid, na hindi madali ang ganitong klase ng panukala dahil kailangang balansehin ang interes ng mga kumpanya at ang interes ng mga manggagawa. | ulat ni Nimfa Asuncion