Sa botong 20 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang P100 legislated wage hike o ang isandaang pisong dagdag sa sweldo ng mga minimum wage workers sa buong Pilipinas.
Sa ilalim ng Senate Bill 2534, lahat ng mga manggagawa na nakakatanggap ng minimum wage ay makakakuha ng dagdag na P100 sa kanilang arawang sahod.
Una nang nilinaw ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Labor chairman Senador Jinggoy Estrada na hindi sakop ng panukalang ito ay mga nasa managerial position.
Matatandaang sa isa sa mga orihinal na panukalang tungkol dito, na inihain ni Senate PresidenMt Juan miguel Zubiri, P150 ang pinapanuakalang across the borad legislated wage hike.
Pero dahil una nang nagpatupad ng taas sahod ang iba’t ibang regional wage boards ay itinakda na lang ito ng Senate committee sa P100.
Ayon kay Zubiri at Estrada, ito ay para mabalanse ang interes ng mga employer at ng mga manggagawa.| ulat ni Nimfa Asuncion