Naniniwala si Sen. JV Ejercito na makakatulong ang pagtatatag ng Bulacan Airport City Ecozone and Freeport Area para ma-decongest ang Metro Manila at makalikha ng mas maraming oportunidad sa mga rural areas.
Sa naging pagdinig ng panukala para sa Bulacan Ecozone, sinabi ni Ejercito na dapat ikalat ang paglago ng ekonomiya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at hindi lang ito dapat na naka-concentrate sa Metro Manila, Cebu at Davao.
Target rin ng Bulacan Ecozone Bill na ma-maximize ang New Manila International Airport na itinatayo sa Bulacan.
Paliwanag ni Ejercito, ang mga paliparan ay hindi lang basta transportation hubs kundi sentro rin ng economic activities.
Kasabay nito ay kinilala rin ng senador ang San Miguel Corporation, na siyang nagpapatayo ng Bulacan International Airport, sa kontribusyon nito sa gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng public-private partnership projects.| ulat ni Nimfa Asuncion