Sa botong 23 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill 2492 o ang panukalang Philippine Maritime Zones Act.
Sa ilalim ng naturang panukala ay layong ideklara ang karapatan at entitlement ng Pilipinas sa mga maritime zones natin, kabilang ang mga underwater features ng mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Isinusulong ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Sen. Francis Tolentino ang panukala bilang pagsunod ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ayon rin kay Sen. Tolentino, mapapalakas ng panukalang ito ang claim ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo, hindi lang sa West Philippine Sea, kundi kasama na rin ang claim ng Pilipinas sa Sabah.
“It will show our compliance with the law of the sea, arbitral ruling, maritime law. Kung ipapasa natin itong maritime zones law nagpapatunay ito na meron tayong karapatan sa karagatang yun. Naniniwala ako sa entire global community is supportive. ” | ulat ni Nimfa Asuncion