Kinokonsidera ng Department of Finance Privatization Management Office na repasuhin ang panuntunan ng land disposal ng mga ‘unused government assets’.
Ayon kay Finance Undersecreatry for Privatization and Corporate Affairs Group Catherine Fong, layon nitong ihanay sa hangarin na taasan ang kita ng gobyerno.
Ang Privatization Council o PrC ang siyang nangangasiwa ng government privatization agenda kabilang ang pag-apruba ng mga panukala para sa pagsasapribado ng PMO at siya ring nagsasapinal ng presyo para sa mga buyer.
Binigyang diin ni Fong na habang pinahihintulutan ng PrC ang pagbebenta ng maraming ari-arian ng gobyerno, nahaharap ito sa maraming hamon kaya kailangan aniyang baguhin ang alituntunin ng Privatization Council.
Kaugnay naman sa ari-arian ng gobyerno na inookupa ng informal settlers, suhestyon ng DOF official na ibenta ito sa mga lokal na pamahalaan.
Pero ang kondisyon naman ng lokal na pamahalaan ay bilhin ito sa ‘zonal’ na pinagbabawal ng kasalukuyang guidelines.
Sa ngayon base sa datos ng DOF, as of 2023, nasa P1.21 billyon na ang nai-remit sa Bureau of Treasury na siyang susuporta sa mga programa ng gobyerno. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes