Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang ambag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa pagsusulong ng mga imprastruktura, kultura ng inobasyon, kagalingan, at industriya, tungo sa pagabot ng isang Bagong Pilipinas.
“Your contribution to Bagong Pilipinas goes beyond your physical inventory of projects delivered, planned, and being built. The BCDA’s contribution to the Bagong Pilipinas would also include a culture of excellence, innovation, foresight, and industry.” – Pangulong Marcos Jr.
Sa talumpati ng Pangulo ngayong araw (February 21) sa inspection ng Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Pampanga, kinilala nito ang performance at kalidad ng trabaho ng BCDA, na naging bahagi na aniya sa landscape ng Pilipinas na nakikita aniya ng milyon-milyong indibidwal kada araw.
Inihalimbawa ng Pangulo ang BGC, Newport City, at New Clark City kung saan ipinamalas ng BCDA ang kakayahan nito upang i-transform ang assets ng bansa.
“Military lands converted into economic centers are the concrete proof of the prosperity BCDA has unleashed. There is no better proof of this than Clark. And this is why the BCDA has earned the reputation as a reliable, credible, professional partner in public-private ventures, setting the template for mutual cooperation that benefits the public.” – Pangulong Marcos
Ang mga nagawang ito aniya ng BCDA ay kalakip ng patuloy nitong mandato, na mag-remit ng kanilang kita, sa pondo, para sa AFP Modernization program ng pamahalaan.
Kaugnay nito, nanawagan rin ang Pangulo sa BCDA na siguruhing maisasakatuparan sa tinakdang panahon ang natitirang bahagi ng 20-kilometer highway.
“Once fully operational, it will reduce travel time between the Clark International Airport and New Clark City from one hour to 20 minutes. It will also save commuters’ money as ANAR is toll-free.” – Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan