Hinimok ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang Department of Agriculture (DA) na dagdagan ang suporta sa mga lokal farmers upang hindi nakaasa sa online sellers ang mga mamimili.
Ayon kay Lee, dapat bigyan ng additional support ang mga farmers upang tumaas ang kanilang kita at bawasan ng mga ito ang kanilang presyo.
Sa ngayon kasi mas marami ng mga mamimili ang tumatangkilik ng paninda online na umanoy illegally sourced o smuggled na produkto dahil mas mura ang kanilang presyo.
Tinutukoy ni Lee ang mga pagkalat ng na smuggled onions na ibinebenta sa ilang social media platforms na nagkakahalaga ng 25 pesos per kilogram.
Paliwanag nito hindi masisi ang mga consumers na tumatangkilik sa murang presyo dahil sa mahal ng mga bilihin sa ngayon.
Pero aniya, kawawa naman ang ating mga magsasaka na nalulugi dahil bagsak ang farmgate price.
Diin ng mambabatas, kapag dinagdagan ang tulong sa mga magsasaka, mas mura ang kanilang production costs at mas mabilis na access sa merkado at consumers habang mapapababa naman nito ang presyo sa merkado.| ulat ni Melany V. Reyes