Passport ni dating Rep. Arnie Teves, kinansela na ng korte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na kinansela na ng Regional Trial Court ang pasaporte ni dating Negros Oriental Representative Arnie Teves.

Ayon sa DOJ, natanggap na nila kahapon ang desisyon ng RTC Branch 51 matapos ang ilang buwan na pagdinig ng korte sa petisyon na inihain ng prosekusyon.

Si Teves ay nahaharap sa multiple murder case matapos ang pagiging utak nito sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo, noong nakaraang taon.

Dahil dito, mas lalo daw lumakas ang kaso laban sa puganteng dating mambabatas.

Pinagbatayan ng korte sa pagkakansela ng pasaporte ay ang desisyon ng Anti-Terrorism Council bilang isang terorista.

Muling tiniyak naman ni Secretary Jesus Crispin Remulla, na dadalhin ng gobyerno ang hustisya at katarungan sa pamilya ng mga biktima.

Dahil sa desisyon na ito ng korte, inatasan ang Department of Foreign Affairs na kanselahin na ang pasaporte ni Teves habang ang National Bureau of Investigation naman ay inatasan na gumawa ng hakbang para maibalik ito sa bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us