Muling naglabas ang Senado ng subpoena laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy para dumalo sa magiging pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga alegasyon ng pang aabuso umano nito sa mga miyembro ng KOJC.
Ayon kay Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros, nakatakda ang susunod na magiging pagdinig ng kanyang komite sa March 5.
Binigyang diin ni Hontiveros, na kapag hindi pa rin dumalo si Quiboloy sa magiging ikatlong pagdinig nila sa isyu sa March 5 ay maaaring ipa-cite in contempt at ipaaresto si Quiboloy.
Kahit pa aniya magtago si Quiboloy ay isisilbi pa rin sa kanya ang subpoena.
Sinabihan rin ng senator si Quiboloy na huwag magpa-victim sa mga pahayag nito.
Aniya, ang hinihingi lang naman sa kanya ay humarap sa mga legal na proseso kasama ang proseso ng imbestigasyon ng Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion