Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na naglabas na sila ng mahigit ₱257-million bilang paunang pondo para sa pagpapalakas ng KONSULTA o Konsultasyong Sulit at Tama Package.
Ito’y ayon sa PhilHealth ay bahagi ng kabuuang ₱30-bilyong pisong pondo na kanilang inilaan para sa pagpapalakas ng naturang programa upang maabot ang mas marami at mas malawak na benepisyaryo.
Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., malaking tulong ito lalo na sa mga accredited KONSULTA facilities lalo na’t sasaklawin nito ang konsultasyon, health screening, at assessment.
Gayundin ang pagbibigay ng angkop na gamot at laboratory batay sa rekomendasyon ng kanilang KONSULTA provider.
Dagdag pa ni Ledesma, naging posible ang pag-aabot ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng paglahok sa LAB FOR ALL Program ni First Lady Liza Araneta-Marcos. | ulat ni Jaymark Dagala