Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkilala sa kabayanihan ng apat na sundalong gumanap ng malaking papel sa katatapos lamang na operasyon ng Philippine Army laban sa hanay ng Dawlah Islamiya- Maute Group (DI-MG).
Kung matatandaan, apat na operating troops mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ang nagtamo ng pinsala mula sa operasyon, noong January 25 – 26, sa Barangay Tapurong, Piagapo, Lanao del Sur.
Matagumpay ang tropa ng pamahalaan na na-nutralisa ang siyam na miyembro ng teroristang grupo, kabilang na ang suspek sa Mindanao State University bombing.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Army General Hospital sa Taguig City ngayong araw (Pebrero 12), dalawa sa mga sugatang sundalo ay ginawaran ng Gold Cross Medal, habang ang dalawa naman ay ginawaran ng Military Merit Medal (MMM) na mayroong Bronze Spearhead Device.
Present rin sa pagbibigay parangal sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., at Army Chief Lt. Gen. Roy M. Galido. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO