Kaisa si KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo sa pagpapaabot ng pasasalamat ng mga OFW sa pamahalaan.
Ayon kay Salo, kapuri-puri ang ginawang hakbang ng Department of Migrant Workers (DMW), sa ilalim ng pamumuno ni officer-in-charge USec. Hans Cacdac at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa matagumpay na paglalabas ng hindi nabayarang sweldo at benepisyo ng mga OFW na naretrench sa SAudi Arabia noong 2015.
Nitong Martes, iniualt mismo ni Pangulong Marcos Jr. na nasa 843 na tseke, na nagkakahalaga ng ₱691.45 million ang na-clear na ng Landbank.
“The DMW has worked their fingers to the bone to achieve this milestone. I wish to commend and thank OIC USec. Cacdac, as well as the late DMW Secretary Ople, for their dedication in resolving the labor claims of OFWs in Saudi Arabia through numerous bilateral talks and going through the meticulous process of collating every detail to ensure the rightful claim of each OFW,” ani Salo.
Kinilala ni Salo ang walang patid na suporta at pagnanais ng Pangulong Marcos Jr., na isulong ang kapakanan ng mga OFW sa buong mundo.
“We are thankful to President Marcos for his dedication in serving and safeguarding the rights and well-being of OFWs and their families. His strong international and diplomatic relations with the Crown Prince of Saudi Arabia Mohammad Bin Salman led to the swift resolution of the matter and the release of pending salaries, wages and end-of-service benefits,” sabi pa ng mambabatas.
Kasama rin sa pinasalamatan ng House Committee on Overseas Workers Affairs Chair ang Department of Foreign Affairs, Philippine Embassy sa Riyadh, Overseas Welfare Workers Association (OWWA) at gobyerno ng Saudi Arabia.
Hinikayat din ng mambabatas ang mga OFW na hindi pa natatanggap ang mga tseke na makipag-ugnayan sa DMW para matulungan sila sa pag-proseso. | ulat ni Kathleen Forbes