Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang naging problema sa kanilang website matapos itong makatanggap ng report mula sa Department of Information and Communications and Technology (DICT), na may tangkang pangha-hack sa website nito.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, walang dapat ikabahala ang publiko dahil ang kanilang website ay ligtas at hindi napasok ng hackers.
Aniya, nagkasa na rin sila ng imbestigasyon matapos ang naturang report.
Intasan na rin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS), na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT at bantayan ang sistema ng kanilang website.
Dagdag pa ni Basilio, bagamat para sa publiko ang website ng PCG… hindi nila hahayaan na pakialaman ito ng hackers para lamang manggulo at maglabas ng maling impormasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco