Maglulunsad ng maraming aktibidad ang Commission on Elections (Comelec) sa Pebrero 12 bilang unang araw ng pagpaparehistro ng mga botante para makaboto sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, marami silang inihanda na mga kaganapan sa Pebrero 12 para mahikayat ang mga bagong botante na magparehistro.
Kasabay nito, idineklara din ng komisyon na Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino ang Pebrero 12.
Ito ay para bigyang daan ang massive campaign at makahikayat ng mga dapat magparehistro.
Target ng Comelec na makapagtala ng dalawang milyong bagong botante para sa eleksyon na gaganapin sa susunod na taon. | ulat ni Michael Rogas