Ipinahayag ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang suporta nito para sa paglikha ng mga pharmaceutical economic zone na makakatulong umano sa socioeconomic growth and development ng bansa.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, nakikitaan niya na catalyst para sa pagtaas ng mga investment sa bansa ang medical at drug manufacturing kabilang na ang mga proposal sa pagtatatag ng mga pharma zones para sa pag-streamline ng mga drug application process.
Suportado rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasabing konsepto at sa potensyal nito sa mabilisang pagsusuri at registration ng mga gamot sa mga lugar na kontrolado ng PEZA.
Sang-ayon rin ito, ayon sa PEZA, ng Philippine Development Plan 2023-2028, kung saan ipinakikita ang papel ng ahensya sa paglikha ng diverse economic zones kabilang na ang mga pharmaceutical ecozones.
Patuloy naman ang nakikipagtulungan ang PEZA sa mga pangunahing stakeholders sa pagbuo ng mga patakaran para sa registration ng mga pharma zone sa bansa na maaaring magresulta sa mas accessible at murang gamot.| ulat ni EJ Lazaro